these are my Philippine Stock Exchange/PSE trading notes ... by no means are these to be taken by the reader as recommendations to buy or sell ... blog contents are valid only up to the date of publication ... the views found herein are subject to change without prior notice ... dont hold and hope! but definitely follow the trend! ... i also occasionally blog about camfrog and repost articles on cats ...
Saturday, January 21, 2017
stok tots: mga haka-haka tungkol sa alco (21 JAN 2017)
maraming hula hula na sinasabi tungkol sa pagtaas ng presyo ng alco ... yung iba naman e walang pakialam sa mga dahilan ... basta tumataas lang .. ok na ... sasakyan na nila tapos ay ibebenta kinahapunan ...
pero isa sa mga sinasabing dahilan ng mga naniniwala ay tumataas ang presyo dahil nagbabalak ito ng halos 20 bilyon - 30 bilyon na investments sa loob ng 6 na taon ... malaking halaga ito ... dahil kung titingnan ... nung mga araw bago ng pagtaas ng presyo ng alco .. halos 1.5 Billion pesos pa lang ang market capitalization nya ... 10x ang p/e .... pero ngayon ... 5.3 billion pesos na ... at dahilan sa 20 b - 30 b na tantya na investments nito sa hinaharap ... maaaring lumaki pa ang market capitalization nito (which mean tataas ang presyo ng alco) ...
meron pa akong ibang haka-haka na maaring dahilan ng pagtaas nito .. pero yun nga ... mga haka-haka lang ... ano ang mga ito?
1. maaaring speculation na gagawing 1 peso ang par value ng alco .. from 18 cents ... wala namang fundamental change ito sa company or sa stock .. pero superficially, magiging respectable na ito kasi di na pipitsugin ang alco ... piso na ang par value ... and it also means liliit ang number of shares ng alco (which also means ... tataas ang nominal price)
2. pwede din sigurong tumaas ang 2016 net income nya? pero di ko sigurado ito ... mejo malabo ito ..
so yun ... mga haka-haka ko lang naman ito ... pwede din naman ... nilalaro lang talaga siya ng mga so-called "jockeys" at bababa na ito sa dating presyo (20 - 30 centavos)